After i-announce na buntis ang labs, nadulas… MARK, WIFEY NA ANG TAWAG KAY NICOLE
- BULGAR

- Sep 18, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | September 18, 2020

Ngayong Biyernes ang pangako ni Mark Herras na ia-announce ang gender ng baby nila ni Nicole Donesa na five months na pala. Post ni Mark sa Instagram, “Finally!! Alam na namin 'yung gender!!! Can’t wait for the reveal tomorrow (today), abangan sa YouTube channel namin ni itchy. #CORKY.”
Pero, parang nabasa namin sa IG story ni Nicole na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis, kaya na-preempt na ang pasorpresa ni Mark. Unless, nagkamali si Nicole ng post at may pambawi siyang gagawin halimbawang baby girl ang kanilang anak na lalabas sa January, 2021.
Naintriga lang kami sa caption ni Mark sa post niya ng video ni Nicole at ng pet cats nila dahil ang sabi, “Mackoooo, Ewoook & my preggy wifey.”
Ikinasal na ba sila at hindi lang natin alam?
Ang galing ni Mark dahil limitado ang puwedeng mag-comment sa post niyang ito.





Comments