top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

After Daniel, may Alden ngayon… KATHRYN, 'DI NA KAILANGAN ANG KA-LOVE TEAM

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 30, 2024



Showbiz Photo
File photo: Nadime / IG

Bentahe kay Kathryn Bernardo ang hindi siya nakatali sa love team, puwede na siyang tumanggap ng anumang seryosong role tulad ng A Very Good Girl, kung saan nanalo siyang Best Actress sa nakaraang FAMAS Award. 


Hindi na lang rom-com (romantic-comedy) ang puwede niyang gawin ngayon, lumilinya na rin si Kathryn bilang seryosong aktres at nagle-level-up na.


Gayunpaman, maraming fans ang pabor sa tambalan nila ni Alden Richards. Handa silang suportahan ang KathDen (Kathryn and Alden) movie na Hello, Love, Again


Nabuwag man ang KathNiel (Kathryn at Daniel ) love team, nabuo naman ang tandem nila ni Alden. 


May ilang movie critics ang nagsabing hinuhubog na ang career ni Kathryn upang sumunod sa yapak ng magagaling na aktres tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Bea Alonzo atbp.. 


Ngayon pa lang ay nag-uumpisa na siyang mag-ipon ng acting awards upang mas tumatag ang kanyang showbiz career. Kaya na ni Kathryn Bernardo na maging solo artist at hindi na dedepende sa kanyang ka-love team.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page