After 5 yrs., Cardo Dalisay, napatay na… COCO, NAKAHANAP NG KATAPAT

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 24, 2021

Ang pagkamatay kaya nina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Alyanna (Yassi Pressman) ang inabangan ng marami kaya nag-trending ang FPJ’s Ang Probinsyano episode nitong Biyernes o ang pagdating ni Jane de Leon sa kuwento para patayin si Coco?
Si Jane, sa karakter na Police Captain Lia Mante, ang sniper na nakaabang sa ulo ni Cardo at hindi naman siya nabigo dahil siya mismo ang nakabaril na tatapusin na sana pero pinigilan siya ni Geoff Eigenmann bilang si Major Albert de Vela.
Pero grabe pa rin ang tama ni Cardo at maging si Alyanna ay tinapos na rin sa sunud-sunod na balang ibinaon sa katawan niya.
Mala-Romeo and Juliet ang eksenang pareho silang bulagta na pero pinilit nilang maglapit at maghawak-kamay at sabay ipinikit ang kanilang mga mata.
Naaliw kami sa mga nabasa naming komento, "Si Darna lang pala ang makakapatay kay Cardo Dalisay. Imagine, after 5 years."
Well, masaya kami for Jane dahil kahit ilang beses naudlot ang shooting at taping ng Darna niya ay ito na ang tawag sa kanya ng nakararami.
At kapansin-pansin na rin ang maliksing kilos ni Jane, magaling na siya sa action scene, huh?
Sabi nga, bago lumipad si Darna at harapin si Valentina ay unahin muna niyang sugpuin si Cardo at ang Task Force Aguila.
Anyway, ang episode nitong Enero 21, Huwebes, ay umabot sa 80,000 ang live viewers sa YouTube bukod pa sa live viewers sa Facebook.





Comments