ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 6, 2023
Nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Lunes, ng inter-agency joint exercise na naglalayong tuklasin ang "interoperability of troops in land, sea, and aerial operations."
Pinangunahan ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. ang pagbubukas ng ika-pitong pagdaraos ng AFP Joint Exercise (AJEX) DAGIT-PA sa Camp Aguinaldo sa Lungsod ng Quezon.
Ang DAGIT-PA, isang termino na nangangahulugang "dagat, langit, lupa," ay isang malawakang pagsasanay ng AFP na pinagsasama ang mga kakayahan ng Philippine Army (PA), Philippine Navy (PN), at Philippine Air Force (PAF).
Kasama sa pagsasanay ngayong taon ang higit sa 1,500 active and reserve forces mula sa PA, PAF, PN, Philippine Marine Corps (PMC), Special Operations Command (SOCOM), at Cyber Group.
Magsasagawa ang mga kalahok ng iba't ibang mga pagsasanay sa mga staff, command post, cyber defense, at mga field training event sa Northern Luzon.
Matatapos ang pagsasanay sa ika-17 ng Nobyembre.
Comments