top of page
Search
BULGAR

AFP Mindanao, pinuri ni PBBM sa paglaban sa Abu Sayyaf

ni Angela Fernando @News | July 6, 2024


News
Photo: President BongBong Marcos / FB

Pinuri ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga pwersa ng gobyerno sa Mindanao sa kanilang matagumpay na pagpapahina ng banta ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang kalaban ng estado sa nasabing lalawigan.


Sa isang pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Sabado, sinabi ng Pangulo ang kanyang mensahe sa kanyang pagbisita sa headquarters ng 11th Infantry Division (ID) sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu nu'ng Hulyo 5.


"I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is the ASG, have been severely reduced," saad ni Marcos.


Nagpaalala rin si Marcos na hindi pa tapos ang laban at maaari pang may mabuo na kaparehas na grupo.


Sinabi ng PCO na si Marcos, bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ay binigyan ng briefing ng pamunuan ng militar sa Sulu tungkol sa patuloy na pagbaba ng kakayahan, lakas-tao, at bilang ng mga armas ng mga rebelde.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page