Advice ni Vice Ganda sa madlang pipol: ‘Kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya’
- BULGAR

- Dec 21, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 21, 2023

Nagbigay ng advice ang TV host at komedyanteng si Vice Ganda sa madlang pipol na bumubuo ng pamilya kahit kapos sa pera.
Sa isang segment ng kanilang noontime show na “It’s Showtime”, napag-usapan kung sino ang madalas na naglalabas ng pera sa mag-ex.
Kaya naman naisingit ni Vice na mahirap ang magtaguyod ng pamilya lalo na kung wala ka naman perang pantustos sa mga gastusin.
“This opinion might offend other people pero kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya,” sabi ng TV host.
“Dahil kawawa lalong lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain nang maayos,” dagdag pa niya.
Inihabol niya pa na tanging sarili lamang ang makasasalba sa’yo at hindi ang ibang tao.
“At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno. Ikaw,” aniya.




Comments