top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Adalem St.Clare, swak na sa semis ng PBA D-League

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 11, 2022



Pasok na ang Adalem Construction-St. Clare College sa semifinals ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup matapos ang makapigil-hiningang 90-87 tagumpay sa Builders Warehouse-UST Miyerkules sa Araneta Coliseum. Uminit sa tamang panahon si Johnsherick Estrada upang itakda ang tapatan ng Saints sa naghihintay na EcoOil-De La Salle ngayong Biyernes sa parehong palaruan.


Nagbunga ang mahigpit na depensa ng Adalem Construction para sa 13 sunod-sunod na puntos upang itayo ang 74-63 na lamang maaga sa 4th quarter. Pumalag ang Builders Warehouse subalit iyan ang hudyat para ipasok ni Estrada ang kanyang pinakamahalagang 4 na puntos para lumayo muli, 88-76.


Biglang tumahimik ang Saints at humabol muli ang Tigers sa likod nina Bryan Santos, Kean Baclaan, Nic Cabanero at Sherwin Concepcion at gawing tatlo na lang ang pagitan, 87-90. Hindi agad napasa ni Estrada ng bola at natawagan ng 5-second inbound violation upang bigyan ng pagkakataon ang Builders Warehouse subalit nagmintis ang tira ni Baclaan sabay tunog ng huling busina.


Nagtapos si Estrada na may 20 puntos. Nakakuha siya ng malaking suporta sa reserbang si Jolo Sumagaysay na may 14 puntos at sina Joshua Fontanilla, John Edcel Rojas at Gab Gamboa na may tig-12 puntos.


Para kay Coach Jinino Y. Manansala Sr., handa na ang Saints na harapin ang Green Archers na nagwagi sa kanila, 72-69, noong Hulyo 27. “Pinag-aralan namin ang laro sa EcoOil at gagawa kami ng adjustment lalo na sa depensa,” wika ni Coach Manansala.


Ang kabilang seryeng best-of-three sa semifinals ay sa pagitan ng numero unong Apex Fuel-San Sebastian at Marinerong Pilipino Skippers. Kahit paborito ang Stags, alam ng Skippers na kaya nilang talunin ang kalaban tulad noong una nilang pagkikita noong Hulyo 9 na 86-74.



Mga laro ngayong Biyernes – Araneta Coliseum 9:00 AM Marinerong Pilipino vs. Apex Fuel-SSC11:00 AM EcoOil-DLSU vs. Adalem Construction-St. Clare

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page