top of page

Actress-vlogger Ivana Alawi, alam kaya na nagagamit sa promotion ng online ‘tong-its’ at ‘bingo?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 25, 2023


MAY PUNTO SI SEN. IMEE NA BATIKUSIN ANG KAMARA, KASI ANG DAMING PROBLEMA NG ‘PINAS, TAPOS ANG INAASIKASO NG MGA CONG., PAKIALAMAN NG DAYUHANG KORTENG ICC ANG JUSTICE SYSTEM NG ‘PINAS -- May punto si Sen. Imee Marcos na batikusin ang mga kongresistang nagsusulong ng resolusyon na humihiling kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na papasukin sa bansa ang mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) para magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa drug war sa panahon ng Duterte administration, dahil ayon sa senadora ay gumagana naman ang justice system sa Pilipinas kaya’t hindi dapat na manghimasok o pakialaman ng dayuhang korte ang anumang kaso sa bansa at may mga prosecutor at korte naman ang ‘Pinas.


Sabi pa nga ni Sen. Imee, sandamakmak ang problemang kinakaharap ng bansa, maraming maralitang Pinoy ang naghihikahos ang buhay, mga nagugutom sa mahal ng presyo ng bilihin na dapat d’yan magpokus ang mga cong., pero ang inaatupag ng mga kongresista ay payagang makialam ang dayuhang korte sa mga kaso sa ‘Pinas, period!


◘◘◘


KOREK SI VP SARA NA KAWALANG RESPETO SA PRESIDENTE AT SA ‘PINAS ANG NAIS NG MGA CONG. NA PAKIALAMAN NG ICC ANG JUSTICE SYSTEM NG ‘PINAS -- Para naman kay Vice Pres., Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio ay kawalan ng respeto sa presidente ng Pilipinas ang resolusyon ng mga cong. na papasukin sa Pilipinas ang ICC para magsagawa rito ng imbestigasyon tungkol sa drug war dahil nagsalita na noon sa isyung ito si P-BBM na never siyang papayag na panghimasukan ng dayuhang korte ang anumang kaso na naganap dito sa bansa.


Korek si VP Sara d’yan dahil sa bibig na mismo ni P-BBM nagmula ang salitang hindi puwedeng makialam sa mga kaso sa ‘Pinas ang mga dayuhang korte, tapos sa resolusyon ng mga cong. ay tila pinupuwersa ng mga ito ang Presidente na payagan nang manghimasok sa justice system ng ‘Pinas ang ICC, tsk!


◘◘◘


MAINAM NA NAGKAROON NG SEN. RAFFY TULFO ANG SENADO KAYA NABULGAR NA ANG DENR SEC. NA HALOS MAKAPAG-AROUND THE WORLD NA GAMIT RAW ANG PERA NG BAYAN -- Shocked ang publiko sa ibinulgar ni Sen. Raffy Tulfo na ngayong year 2023 daw ay umabot sa 14 beses ang foreign trips ni Sec. Maria Antonia Loyzaga-Yulo ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR).


Buti na lang may Sen. Raffy Tulfo ngayon sa Senado, kasi kung wala, aba’y tiyak na hindi malalaman ng publiko na ang itinalaga ni P-BBM na DENR sec. ay halos nakapag-around the world na, boom!

◘◘◘


ALAM BA NG SIKAT NA AKTRES-VLOGGER NA SI IVANA ALAWI NA NAGAGAMIT SIYA SA PAGPO-PROMOTE NG ONLINE ‘TONG-ITS’ AT ONLINE ‘BINGO’? -- Kumakalat ngayon sa social media ang larawan at pangalan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi na nagpo-promote o nanghihikayat sa publiko na magsugal ng online “tong-its” at online “bingo”.


Kung walang permiso ni Ivana na gamitin ang kanyang larawan at pangalan para mag-promote ng mga online gambling ay dapat aksyunan niya ito, pero kung may permiso niya, aba’y mali ‘yan na ginagamit niya ang kanyang kasikatan bilang actress at vlogger para manghikayat ng mga tao na maging sugarol at itaya ang pera sa mga ganitong uri ng mga bad na pasugalan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page