top of page

Acting pa rin o overacting?!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20
  • 1 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | March 20, 2026



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Ito na nga ang bagong chika—tinalo pa ng admin ang Star Magic sa rami ng “acting” stars nila! Halos kalahati ng gabinete ay nasa “acting” status, kaya napapatanong na ako: acting pa ba o “overacting” na?!


Ang malala r’yan, kapag “acting” lang, hindi sila isasailalim sa Commission on Appointments o CA! Hindi natin sila makikilatis kung keri ba at dasurv nila ang trabaho. Kaloka beshie!


Kumbaga, wala ng audi-audition—kuha na agad ang role! O diba? Sila na talaga!


At ang mas malala pa, labag sa batas kung lagpas isang taon na silang “acting”! Pero parang wapakels sila na hindi dapat besh! Bawal ‘yan! Malinaw ‘yan sa EO 292 o Administrative Code of 1987 na labag 'yan sa tungkuling nakasaad ng CA.


Kaya kami ng forever seatmate ko, Sen. Marcoleta, todo-kalampag sa totoong CA—ang Commission on Appointments—na ipaglaban ang kanilang konstitusyonal na mandato! Dapat ang ating matataas na opisyal ay pinamumunuan ng mga kwalipikadong tao na dumaraan sa CA.


Kung ang ordinaryong mamamayan mahigpit ang screening sa trabaho, lalo na dapat sa mga magpapatakbo ng ating bansa, diba? Ang sakit nila sa head, beshie! Babush!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page