Acosta nagbaba sa publiko vs. scammers na gumagamit ng kanyang pangalan at contact info

ni Jasmin Joy Evangelista | March 31, 2022

Nagbabala si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta sa publiko hinggil sa mga scammers na gumagamit sa kanyang pangalan bilang reference sa paglo-loan.
Ayon kay Acosta, ito ay kanyang inanunsiyo matapos makatanggap ng tawag at messages sa mga loaning institutions na ngayon ay nagtsa-charge sa kanya ng mga utang na kagagawan ng mga scammer.
“Para sa kaalaman po ng publiko, wala pong kinalaman ang inyong lingkod sa mga hinahabol na may utang dahil wala naman po akong pahintulot o basbas na gamitin nila ang pangalan ko sa kanilang aplikasyon at HINDI ko po sila kilala,” ani Acosta sa public announcement sa kanyang Facebook page.
“Nagsasabi ako sa inyo mga loan agencies, lending institutions, huwag po kayo maniwala. Hindi ko po sila comaker hindi rin po ako guarantor nila, kaya kung ‘yan po ay scammers huwag po kayong maniniwala,” pahayag pa niya.





Comments