top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ABS-CBN shows, tinapatan… VICE, BINATI ANG MGA DATING KAPAMILYA NA LUMIPAT SA TV5

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2020
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 20, 2020




Binati ni Vice Ganda ang mga kasamahan na ABS-CBN artists sa kanyang Twitter account kahapon. Pero hindi lang ang mga Kapamilya stars na nasa ABS-CBN pa rin ang binati niya kundi pati na 'yung mga naglipatan sa ibang network.


Tweet ni Vice, "Congratulations sa lahat ng Kapamilya artists (former and present)!!! You rule! O loko!"


Last Sunday ay nagsimula na ang tapatan ng mga shows ng mga nag-stay pa rin sa Dos na Kapamilya stars at 'yung mga nag-ober-da-bakod tulad nina Piolo Pascual at Maja Salvador.


Sa kabila nito, positibo ang nakita naming reaksiyon ng mga netizens especially ang mga Kapamilya viewers, sa tapatan ng mga programa ng ABS-CBN at TV5.


"Kapamilya is flooding the tv scene.... more choices now.. but still Kapamilya.... more more good riddance..."


"Kapamilya artists conquered our television, hahahahha, ang saya-saya! BUT STILL A KAPAMILYA FOREVER... FOREVER HINDI MAGHIHIWALAY (Grinning face with smiling eyes)."


Ilang minuto lang ang nakalipas ay muling nag-tweet si Vice, "And to all Kapamilya production and creative teams (former and present) CONGRATULATIONS!!! Sa'n man mapunta, magniningning ang mga Kapamilya! O loko!"


Bukod kay Vice, may mensahe rin ang host na si Luis Manzano sa mga Kapamilya stars na nakasama niya dati na lumipat din sa ibang network.


Binati ni Luis ang ASAP at It's Showtime pati na ang mga katapat nilang programa.

"Congrats Team Showtime and Team LOL, ASAP family and SNL Family! Kahit nasaan pa kayo, love you guys (pink heart emoji). Proud of you all! Alam n'yo 'yan! - Kuya Lu," post ni Luis sa kanyang Instagram account.


Pinusuan naman nina Maja Salvador, Bianca Manalo at Jessy Mendiola ang IG post ni Luis.


At sa Twitter account naman ni Luis ay ini-retweet niya ang post ni Alex Gonzaga at nilagyan ng caption na: "Congrats Ate! (pet name ni Luis kay Alex.)"


Eto naman ang mensahe ni Alex sa ini-retweet ni Luis, "Tutok na sa tv5 para sa aming panimula!! Sana mahanap n'yo ko d'yan (laughing emoji) @LunchOutLoudPH #panaLOLKadito"


Pagkatapos batiin si Alex ay ang komedyanteng si Wacky Kiray naman ang binati ni Luis.

Sina Alex at Wacky ay kasama ni Luis sa Kapamilya game show na I Can See Your Voice.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page