Abogado ni Elon Musk, naiwasan ang mga parusa sa kasong defamation
- BULGAR
- May 30, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 30, 2024

Pinayagan ng isang hukom sa Texas nu'ng Miyerkules na magpatuloy ang kasong defamation laban kay Elon Musk, ngunit tinanggihan ang hiling na parusahan ang matagal nang abogado niyang si Alex Spiro.
Tinanggihan ni Judge Maria Cantu Hexsel ang mosyon na ibasura ang kaso sa Travis County, na isinampa nu'ng nakaraang taon ng nagsasakdal na si Benjamin Brody.
Iginiit ni Musk na nilabag ng kaso ang batas ng estado na naglalayong pigilan ang mga demanda na nagpaparusa sa mga nagsasalita tungkol sa mga pampublikong isyu.
Inakusahan ni Brody si Musk matapos nitong maling itinumbok sa isang post sa X na si Brody ay sumali sa isang right-wing na rambol sa Oregon.
Matatandaang itinatanggi ni Musk na siniraan niya si Brody at sumailalim siya sa isang virtual deposition nu'ng Marso.
Inireklamo naman ng mga abogado ni Brody nu'ng nakaraang buwan na nakisali si Spiro sa deposition kahit na wala siyang lisensiya upang mag-practice ng abogasya sa Texas at walang kalinawa kung pinayagan ito ng Korte na kumatawan kay Musk sa kaso.
Comentarios