top of page

97 yrs. old na lolo, pinakamatandang motorcycle racer sa buong mundo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2023
  • 2 min read

Updated: Nov 1, 2023

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 26, 2023


ree

Hindi lang mga kalalakihan ngayon ang nahuhumaling sa motorsiklo, dahil maski ang mga kababaihan ay gustung-gusto na rin ito.


Gayunman, wala pa ring tatalo kay Leslie Harris, na kasalukuyang nakatira sa New Zealand. Confuse na rin ba kayo kung ano ang special na mayroon siya? Maniwala man kayo o hindi, si Harris ay sumabak sa Pukekohe 43rd Classic Motorcycle Festival sa Auckland, New Zealand. At siya ang pinakamatandang sumali sa kompetisyong iyon.


Nagpakitang gilas siya kasama ang kanyang panganay na anak na si Rod, 64, at ang kanyang 21-anyos na apo na si Olivia. Ginawa ito sa regularity race, kung saan ang layunin ay maisagawa ang pare-parehong lap times.


Imagine, sa edad na 97 ay yakang-yaka pa rin ni Harris na magpakitang gilas sa maraming tao?


Yes, mga ka-Bulgar, 97 yrs. old na siya noong sumabak siya sa racing. Kung kaya’t matagumpay niyang nakuha ang titulong “Oldest competitive motorcycle racer” sa Guinness World Record.


Dati nang nananalo si Harris sa mga ganitong kompetisyon ngunit, noong 2020 Classic Festival, sa kasamaang palad ay nasugatan niya ang kanyang sarili at hindi niya nagawang makipagkompetensya. Habang naka-mount ang kanyang motorsiklo para sa isang qualifying race, nadulas ito sa roller starters, na nagresulta sa pagkahulog niya at nabali ang kanyang anim na tadyang.


Masuwerteng naka-recover si Harris. Kaya naman, ang 2023 festival sa Pukekohe Park Raceway ay isang dagdag na espesyal na edition para sa kanya, dahil matagal na umano siyang ‘di nakakapag-racing.


Ang gamit niyang motorsiklo ay ang BSA Bantam 175cc, na maaaring umabot sa bilis na hanggang 80 mph (130km/h), hindi pa rin makapaniwala ang iba sa husay at galing na ipinakita niya, dahil biruin mo ‘yun nag-4th place pa siya? Samantalang ang kanyang apo na si Olivia, ay nasa ika-21, habang ang kanyang anak na si Rod ay 8th place.


Nagbabalak pa rin si Harris na makasali sa iba pang mga kompetisyon ngayong taon, at sabik niya ring hinihintay ang 44th Classic Festival, na gaganapin sa Pebrero 2024 sa Manfeild Circuit Chris Amon, Feilding.


Grabe, hindi ba? Biruin mo ‘yun, hindi naging hadlang ang kanyang edad para ipagpatuloy ang kanyang passion. Kaya sa ating mga beloved grandma and grandpa r’yan, ilabas n’yo na ang inyong natatagong talento, malay n’yo kayo na ang susunod na parangalan ng Guinness.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page