9 PM pa lang daw, tulog na… OGIE AT REGINE, WALA NANG ORAS PARA MAG-SEX
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 1 min read
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 19, 2023

Natanong sa isang interview ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid at isa sa mga hosts ng Kapamilya noontime show na It's Showtime tungkol sa kanyang saloobin sa ipinataw na 12-day suspension ng MTRCB sa kanilang programa.
Hindi raw masyadong apektado ang mga co-hosts at kasamahan niya sa It's Showtime sa kabila ng mga patung-patong na isyu na kanilang kinakaharap ngayon. Wala raw nagbago sa attitude at energy na ibinibigay ng lahat, lalo na si Vice Ganda.
Ani Ogie, "Hindi mo mapapansin na may something. In fact, napansin ko, si Vice lately has been so energized. Okay kami, okay kami."
Pagkatapos matanong tungkol sa Kapamilya noontime show, natanong din siya sa mga latest happenings na may kinalaman sa personal life nila ng kanyang misis na si Asia's Songbird Regine Velasquez.
Well, hindi nakaligtas na matanong ang singer-songwriter-TV host tungkol sa sex life nila ni Regine. Ang nakakaloka pa, game na game rin naman siya sa pagsagot dito at ibinunyag niya kung gaano sila kadalas na mag-loving-loving.
"Alam mo, ang sabi sa amin ng pastor namin, eto, totoo 'to, ha? Sa mag-asawa, kailangan, at least, 4 times a week," ang walang kiyemeng pagbabahagi ni Ogie.
Pero para sa kanya, mahirap daw sundin 'yun dahil 9 PM pa lang ay tulog na siya.
Kung siya ay morning person at maagang natutulog, kabaligtaran naman si Regine na late na raw natutulog at tanghali na ring gumigising. Ito raw ang dahilan kung bakit wala na silang time for 'sexy and intimate moments'.





Comments