top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

9 na buwan pa bago magkaroon ng bakuna, kaya’t matira matibay muna!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 14, 2020



MATIRA MATIBAY MUNA HANGGA’T WALA PANG BAKUNA—Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa Oktubre 2020 hanggang Marso 2021 pa isasagawa ang clinical trial ng Russian vaccine sa Pilipinas at maaaring sa Mayo 2021 pa magpabakuna si P-Duterte sa harap ng publiko.


Eh, Agosto 2020 pa lang ngayon, ibig sabihin, 9 na buwan pa ang hintayin bago ito mapakinabangan at habang wala pa, matira matibay muna sa pagharap ng COVID-19, boom!

◘◘◘


SA IBANG BANSA, BAKUNA VS. COVID-19 ANG INAATUPAG, SA ‘PINAS, DEATH PENALTY—Bukod sa Russia, nagsasagawa na rin ng clinical trial ng bakuna kontra COVID-19 ang United States, China, Japan, iba pang bansa sa European Union at maging ang Indonesia.


Kung ang mga bansang ‘yan ay nagsisikap na makagawa ng bakuna para sa kaligtasan ng buhay ng kanilang mamamayan, ang inaatupag naman sa Pilipinas ay pagsusulong na pagbabalik ng death penalty sa bansa, ‘susmaryosep!


◘◘◘

KUNG WALANG BILIB ANG PANGULO, DAPAT BUWAGIN NA ANG PACC—Itinatag ni P-Duterte ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para sampahan ng kaso at ipakulong ang mga taong-gobyerno na sangkot sa katiwalian, pero maraming napataas ang kilay nang bumuo pa ng task force ang Pangulo na pinamumunuan ni Justice Sec. Menardo Guevarra para imbestigahan ang korupsiyon sa PhilHealth.


Eh, kung ganyang parang walang bilib si P-Duterte kay PACC Chairman Dante Jimenez, kung kaya’t kay Sec. Gueverra pa niya pinamahala ang pamumuno sa pag-iimbestiga sa PhilHealth, eh, dapat buwagin na lang ang PACC dahil sayang lang ang pondong inilalagak d’yan ng mamamayan, period!


◘◘◘


GOV’T. NAMAHAGI NA NG LIBRENG FACE MASK, LIBRENG FACE SHIELD KAILAN KAYA?—Namahagi na ang Duterte gov’t. ng libreng face mask sa mahihirap na mamamayan.


Good! Eh, kailan naman kaya mamamahagi ng libreng face shield ang gobyerno kasi gagawing mandatory na ang pagsusuot nito sa mga public transport at tanggapan sa mga public office at pribadong kumpanya, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page