8k pulis, bantay para sa Eid’l Fitr

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 10, 2024

Nagsilbing bantay ang mahigit sa 8,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko habang sinusubaybayan ng bansa ang Eid’l Fitr, ngayong Miyerkules.
Sinabi ni PNP spokesperson Jean Fajardo na kanilang idineploy ang 8,412 tauhan sa mga transportation hubs, mosques, at mga komunidad ng Islam para sa Islamic holiday, na nagmamarka ng wakas ng buwanang pag-aayuno ng Ramadan.
Bukod dito, hinikayat ng PNP ang publiko na ipagdiwang ang Eid Fitr nang may paggalang, pag-unawa, at pagkakaisa.





Comments