89% PNP personnel bakunado na kontra-COVID-19
- BULGAR

- Oct 29, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 29, 2021

Nasa tinatayang 89 porsiyento ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) ang fully vaccinated na kontra-COVID-19.
Sa isang radio interview ngayong Biyernes, sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na nasa 199,362 indibidwal mula sa mahigit 223,000 PNP personnel ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19, habang mahigit sa 21,000 o 10% ang naghihintay pa ng kanilang second dose ng vaccine.
“With our more than 223,000, pati na rin ‘yung mga non-uniformed personnel, 89% are fully vaccinated, that is 199,362,” ani Eleazar.
Ayon kay Eleazar nasa tinataya namang 1% ng PNP personnel ang babakunahan pa laban sa COVID-19.
Sa National Capital Region Police Office, sinabi ni Eleazar na 98% ng kanilang kawani ay fully vaccinated na habang ang natitirang 1% ay naghihintay ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccine.








Comments