top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

89 bilanggo sa INPJ, positive sa COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2020
1 min read

ni Thea Janica Teh | November 29, 2020



Umabot sa 89 bilanggo ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ) ngayong Linggo. Sa inilabas na tala ng pamahalaang lokal ng Ilocos Norte, may kabuuang 92 katao ang nagpositibo sa kanilang lugar ngayong Linggo kabilang ang 2 returning overseas Filipino workers, 1 lokal na residente at 89 inmates mula sa INPJ.


Matatandaang nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ang 5 empleyado ng INPJ at hinihinalang sa kanila nahawa ang mga bilanggo.


Sa ngayon, nasa 101 na ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa INPJ habang 357 naman sa buong lalawigan.


Samantala, nitong Biyernes ay isinailalim ang Laoag City sa localized modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng virus.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page