800 katao sa Laos, arestado dahil sa cyber scam
- BULGAR
- Aug 23, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Overseas News | August 23, 2024

Arestado sa Laos ang halos 800 katao na sangkot sa isang cyber scam network na nagpapatakbo sa isang kahina-hinalang "special economic zone" sa border ng Myanmar at Thailand, ayon sa local media.
Kamakailan lamang, pinaghihinalaang sentro ng mga ilegal na aktibidad ang Golden Triangle Special Economic Zone (SEZ) sa probinsya ng Bokeo sa Laos, na kilala sa mga Chinese-owned casino at hotel.
Kabuuang 771 tao ang naaresto nang wasakin ng mga otoridad ang online fraud ring noong Agosto 12, ayon sa ulat ng Laotian Times ngayong linggo.
Kabilang sa mga naaresto ang 489 kalalakihan at 282 kababaihan mula sa 15 iba't ibang nasyonalidad. Karamihan sa kanila ay mula sa Laos, Myanmar, at China, ngunit mayroon ding mga mula sa Burundi, Colombia, Ethiopia, Georgia, India, Indonesia, Mozambique, Tunisia, Pilipinas, Uganda, at Vietnam.








Comments