80 timbog sa fuel hoarding, profiteering — PNP
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | April 25, 2026

Halos 80 katao ang inaresto dahil sa iba’t ibang fuel violations gaya ng hoarding, profiteering at gas-and-go incidents.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson at Public Information Office Chef PBGen. Randulf Tuano, siyam katao ang naaresto dahil sa hoarding, isang kaso naman ang naitala dahil sa profiteering habang 21 mga paglabag naman ang naitala dahil sa illegal fuel pilferage scheme.
Kasalukuyan ding isinasagawa ang hot pursuit operations laban sa ikatlong suspek sa isang gas-and-go incident sa Payatas, Quezon City.
Napag-alaman na maliban sa naging paglabag nito, mayroon ding mga nakabinbing mga kaso laban sa suspek na mayroon namang kinalaman sa ilegal na droga noong 2017 at frustrated murder naman nu'ng 2020.
Samantala, nasa halos 287 na mga gasolinahan na ang naitalang pansamantalang nagsara dahil sa kakulangan ng supply.




Comments