8-buwan isasailalim sa repair ang Sto. Niño Bridge sa Parañaque City
- BULGAR

- Aug 27, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 27, 2020

Isasailalim ang Sto. Niño Bridge sa Ninoy Aquino Avenue sa Parañaque City sa rehabilitation works simula ngayong araw August 27, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang statement, sabi ni DPWH Secretary Mark Villar ang southbound lane ng tulay ay ire-rehabilitate bilang tugon sa layuning mapatibay ang daan at tulay ng mga lugar.
Gayundin, upang mabawasan ang mabigat na traffic, isang two-way zipper lane sa northbound lane ng tulay ang bubuksan sa motorista na pupuntang north at south bounds.
Dagdag pa rito, maaaring dumaan ang mga motorista sa alternate routes tulad ng Coastal Road, Quirino Avenue, at MIA Road para sa southbound na sasakyan; posible ring dumaan sa kahabaan ng Multinational Avenue para sa patungong northbound.
Inaasahang matatapos at magbubukas ang bridge section sa April 2021, ayon sa DPWH.




Comments