8,000 preso, palalayain dahil sa COVID-19
- BULGAR

- Jul 11, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 11, 2020

Nakatakdang magpalaya ng 8,000 inmates ang California government mula sa state prisons upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19 sa loob ng pasilidad nito, ayon sa state authorities.
Marami sa mga preso sa California ang magtagal nang nagdurusa dahil sa coronavirus outbreaks at ayon sa state corrections department may mga maaari nang i-release sa katapusan ng August.
Ito ang pinakamalaking tugon ng naturang bansa, ang pagpapalaya sa inmates, upang “decompress” ang populasyon sa mga kulungan at mabawasan ang panganib ng covid-19 transmission sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming espasyo para sa social distancing at quarantine.
“These actions are taken to provide for the health and safety of the incarcerated population and staff,” pahayag ni California Department of Corrections and Rehabilitation Secretary Ralph Diaz sa isang statement.
Isang taon o wala nang isang taon na kailangang i-serve sa kulungan ang nakatakdang palayain. Ang hindi papayagang i-release ay mga convicted o nahatulan ng violent felonies at sex crimes, ayon sa department.
Gayundin, ang pagpapalaya ng mga preso ay pagsunod sa isinasagawang pagbabawas sa inmate population statewide ng tinatayang 10,000 simula ng magkaroon ng pandemya.
Ayon kay California Governor Gavin Newsom, humigit-kumulang sa 2,400 katao sa 35 kulungan ng bansa ay nagpositibo sa test sa coronavirus, kasama rito ang 1,314 may covid-19 sa San Quentin State Prison north ng San Francisco.





Comments