top of page

74-anyos Pinay, biglang sinapak sa New York City ng isang African American woman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 27, 2022



Isa namang Pilipina ang naging biktima ng pag-atake sa New York City noong Miyerkules, Agosto 24, 2022.


Humingi na ng assistance ang New York Police Department (NYPD) sa publiko upang matukoy ang babae, nakasuot ng puting pang-itaas na nakita sa surveillance video, na biglang nanuntok o randomly punched sa mukha ang isang 74-anyos na Pilipina na naglalakad lamang sa unahan ng 485 Madison Avenue sa sidewalk ng Midtown Manhattan noong Miyerkules.


Sa isang email, ipinahayag ng NYPD sa ABS-CBN News na noong Agosto 24, bandang alas-11:00 ng umaga, isang hindi nakilalang African American woman umano ang nanuntok ng isang matandang Pilipina sa mukha na ikinabagsak nito sa semento.


Ang nasabing attacker ay tumakas sa lugar na naglakad lamang.


Ayon sa NYPD, agad rumesponde ang emergency medical service at dinala ang biktima sa NYU Langone hospital na nasa stable nang kondisyon.


Sinabi naman ng Pinay na biktima, na tumangging ibigay ang pangalan, na nasa labas siya dahil nautusan lamang ng mga oras na iyon, at ang kanyang boyfriend ay nasa tabi niya nang bigla siyang suntukin ng naturang babae.


Kasunod ng insidente, agad na naglabas ang Philippine Consul General in New York ng isang advisory na nagbababala sa mga Pilipinong naninirahan o bumibisita sa New York City na manatiling maging vigilant at mag-ingat matapos ang insidente.


Pinapayuhan din ang lahat ng mga Pilipino sa lugar na magsagawa ng kinakailangang precautionary measures kapag naglalakad sa mga lansangan o nasa mga subways.


Hiniling din ng NYPD sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa insidente ay maaaring tumawag sa kanilang crime stoppers hotline sa 1-800-577-tips (8477).

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page