72,607 gumaling sa COVID-19 sa isang araw
ni Mary Gutierrez Almirañez | April 18, 2021

Naitala ang 72,607 na gumaling sa COVID-19 ngayong araw at sa kabuuang bilang ay 779,084 na ang mga nakarekober, ayon sa Department of Health (DOH).
Tinatayang 10,098 naman ang nagpositibo, kaya pumalo na sa 141,089 ang aktibong kaso. Samantala, 15,960 na ang bilang ng mga namatay, kung saan 150 ang nadagdag sa pumanaw ngayong araw. Sa kabuuang bilang, 936,133 na ang naitalang kaso sa bansa.
Ayon pa sa DOH, ang mga nadagdag na datos ay nagmula sa 34,546 na mga tinest kahapon.
Sa ngayon, halos 96.7% sa aktibong kaso ay puro mild symptoms patients. Ang 0.43% ay moderate, habang 0.5% ay critical at 0.7% ay severe.





Comments