7 koponan maglalargahan na sa NBL Chairman's Cup
- BULGAR
- Dec 1, 2023
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | December 1, 2023

Mga laro ngayong Biyernes – Santa Rosa Multi-Purpose
5 pm Makati vs. Muntinlupa
7 pm Binan vs. Santa Rosa
Magbubukas ng pinto ngayong araw ang 2023 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup sa dalawang laro sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.
Pitong koponan ang muling magtatagisan sa nag-iisang ligang professional kung saan ang mga manlalaro ay tunay na tubo sa lugar na kanilang kinakatawanan.
Ipagpapatuloy ang Laguna Clasico sa pagitan ng host Eridanus Santa Rosa at bisitang Tatak GEL Binan sa 7:00 ng gabi. Bubuksan ang torneo ng mga bagong kalahok na Makati Circus Music Festival kontra sa Muntinlupa Chiefs sa 5:00 ng hapon.
Hinati ang pitong koponan sa dalawang grupo. Lalabanan ng isang beses ang mga kasama sa grupo at dalawang beses ang mga nasa kabila. Nasa Grupo A ang Makati, Muntinlupa at Boss ACE Zambales Eruption. Ang Grupo B ay binubuo ng dalawang koponan ng Laguna at ng CamSur Express at defending champion Taguig Generals.
Layunin ng Generals na makamit ang bihirang Grand Slam o tatlong magkasunod na kampeonato. Matapos kunin ang Chairman’s Cup noong nakaraang taon, sinundan nila ito ng kampeonato sa President’s Cup noong Setyembre.
Hindi muna maglalaro sa President’s Cup ang pumangalawa sa Chairman’s Cup KBA Luid Kapampangan. Liliban din ngayon ang DF Bulacan Stars. Ang Santa Rosa at Muntinlupa ay nasa ilalim ng bagong pamunuan. Kahit ganoon, asahan pa rin na babalik ang karamihan ng mga manlalaro nila.








Comments