7-Eleven hinoldap ng 2 ‘kostumer’
- BULGAR

- Feb 10, 2023
- 1 min read
ni Benjamin Chavez | February 10, 2023

Walang nagawa ang dalawang bantay ng 7-Eleven convenience store nang holdapin ng dalawang suspek na nagpanggap na mga kostumer alas-2:38 ng madaling-araw sa Bgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna.
Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok sa nasabing tindahan at nagpanggap na mga kostumer ang dalawang armadong lalaki saka nagdeklara ng holdap.
Tinangay ng mga ito ang hindi pa matukoy na halaga ng benta ng nasabing store.





Comments