7-Eleven hinoldap, benta nilimas

ni Benjamin Chavez | June 15, 2023

Hinoldap ng nag-iisang suspek ang isang sangay ng 7-Eleven convenience store sa Maria Corazon Ave., Bgy. San Gabriel, Teresa, Rizal.
Sa salaysay ng cashier na sina Raymond Villanueva at Prince Jearvin Romero, habang nasa loob sila ng counter, nang pumasok ang suspek at nagpanggap na kostumer.
Bumili umano ito ng lighter at binayaran sila ng P500 at nang bibigyan na sana ng sukli, biglang bumunot ng baril ang lalaki at nagdeklara ng holdap.
Kinuha ng suspek ang lahat ng benta ng tindahan na P10,800 saka umalis.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Teresa Municipal Police Station para maaresto ang suspek.





Comments