67-anyos na pekeng dentista, buking

by Mai Ancheta @News | September 30, 2026

Photo: Fp
Himas-rehas ang isang 67 anyos na umano'y pekeng dentista matapos maaresto sa inilunsad na operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. San Isidro, Sta. Maria, Davao Occidental.
Batay sa report ng pulisya, huli sa akto ang suspek na si "Gardo" habang nagtatrabaho bilang dentista sa kabila ng kawalan nito ng lisensya.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 si Gardo.
Ang pagkakahuli sa suspek ay resulta ng anti-illegal Dental Practice Operation sa Davao Occidental.





Comments