top of page

64, arestado sa paglabag sa 2022 elections gun ban ng PNP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | January 13, 2022



Nasa kabuuang 64 indibidwal na ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag ng mga ito sa ipinatutupad na 2022 elections gun ban sa bansa.


Base sa latest data hanggang nitong Huwebes, arestado ng PNP ang 24 mga bagong violators, kung saan lahat sila ay civilians.


Nakakumpiska naman ang pulisya ng walong firearms, 43 ammunition, anim na deadly weapons, at dalawang iba pang items sa 2,584 checkpoints sa buong bansa.


Ayon sa PNP, ang mga bagong violators ay mula sa Quezon City, Antipolo, Pasay, Pasig, Dasmariñas, Tarlac, Saranggani, Masbate, Lipa, Cebu, Olongapo, Negros Occidental, Bulacan, Zamboanga, at Abra.


Matatandaang nag-isyu ang Commission on Election (Comelec) ng Resolution No. 10728 kung saan nakasaad, “prohibits the bearing, carrying, or transporting of firearms or deadly weapons outside residence and in all public places”, mula ito Enero 9 hanggang Hunyo 8.


Ang mga law enforcers lamang ang exempted sa gun ban hangga’t mayroon silang authorization mula sa Comelec at nakasuot ng kanilang agency-prescribed uniform habang isinasagawa ang kanilang official duty sa panahon ng election period.


Una nang umapela ang PNP sa publiko na kanilang sundin ang resolusyon ng Comelec hinggil sa mga baril at deadly weapons sa panahon ng halalan.


Ayon pa sa PNP, ang mga violators ay posibleng maharap sa pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon subalit hindi hihigit sa anim na taon at hindi rin subject sa probation.


Gayundin, ang guilty party ay maaari ring maharap sa disqualification na humawak ng anumang public office, deprivation ng right of suffrage at kanselasyon o perpetual disqualification para makakuha ng gun license.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page