top of page

60B ibinalik na sa PhilHealth ayon sa utos ni Pangulong Marcos Jr,  ipinalalakas ang serbisyong pangkalusugan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 56 minutes ago
  • 1 min read

by Info @Brand Zone | May 7, 2026



PR No.: 2026-12 / May 6, 2026 



Opisyal nang naibalik sa PhilHealth ang ₱ 60 bilyon mula sa National Treasury alinsunod sa  direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang hakbang na ito ay isang malinaw na pahayag  ng tiwala ng Pangulong matutugunan ng PhilHealth ang mandato nitong maging katuwang ng  bawat Pilipino sa pangangailangang pangkalusugan. 


Pinasasalamatan ng PhilHealth ang Pangulo sa kanyang malinaw na direktiba na gamitin ang  pondong ito upang mapahusay ang mga serbisyong kalusugan upang maabot ang bawat  Pilipino. Gayundin, kinikilala ng Korporasyon ang mahalagang papel ng Department of Finance sa agarang pagreremita ng nasabing halaga. 


Pinagtitibay ng PhilHealth ang pangako na pangalagaan ang tiwalang ipinagkaloob ng Pangulo  at ng taumbayan. Sisiguruhin ng Korporasyon na ang bawat pisong ito ay ilalaan sa  pagpapahusay ng mga benepisyo, pagpapalakas ng mga sistema upang mapabilis ang mga  proseso, at paghatid sa bawat Pilipino ng serbisyong mabilis, patas, at tunay na  mapagkakatiwalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page