top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

60-anyos, patay sa sunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 18, 2024




Namatay ang isang babae sa sunog noong hapon ng Sabado sa Bacoor City, Cavite, ayon sa ulat ng pulisya ngayong Linggo.


Sa isang ulat, sinabi ng Police Region 4A na sumiklab ang sunog bandang alas-4:20 ng hapon sa Barangay Niog at idineklara itong nasa ilalim na ng kontrol, makalipas ang 34 minuto.


Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si "Rosalinda," 60 taong gulang. Hindi nagbigay ng iba pang mga detalye ang ulat tungkol sa biktima ngunit isasailalim sa autopsy ang kanyang katawan upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.


Hindi tinukoy sa ulat ng pulisya ang bilang ng mga nasunog na bahay sa insidente.

Gayunpaman, iniulat ng konseho ng barangay na 88 pamilya na binubuo ng 320 indibidwal ang naapektuhan ng sunog.


Hindi pa rin natutukoy ng mga otoridad ang pinsala sa ari-arian.


Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page