top of page

6 tips para manatiling relaks kahit makarinig ng bad news

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 21, 2021




Kung tulad ka ng maraming tao, malampasan lamang ang stress ay napakahirap. May mga karanasan sa buhay na nakaka-stress at hindi maiiwasan. Kung paano malalampasan ang stress ay dapat ay mabalanse ang tensiyon habang pinipilit na makapag-relaks matapos na marinig ang isang stressful news. Ang paghahanap ng paraan para maiwasan ang stress ay mahalaga sa pangkabuuan mong pisikal na kalusugan. Heto ang ilang hakbangin para matulungan ka na marelaks matapos makarinig ng masamang balita.


1. Magdahan-dahan na huminga ng malalim. Habang pigil ang iyong hininga at mababaw lamang ang paghinga ay masama ito sa iyong kidney at maaaring maging dahilan ng hypertension. Habang mabagal pero malalim ang mga paghinga, nare-relaks nito ang iyong mga ugat at napapakalma nito ang iyong sympathetic nervous system.


2. Mag-ehersisyo. Ang relaxation exercise ay mahalaga na mapawi ang stress na humihigpit mula sa iyong balikat, leeg, iba pang masel at pagsakit ng ulo.


3. Tumawa, ang araw-araw na pagtawa ay nakatutulong sa iyong isipan at makarerelaks sa iyong isipan. Masosorpresa ka kung gaano ka ka-relaks matapos makapanood ng nakatatawang palabas at makinig sa mga biruan ng iba.


4. Kumain ng isang bagay na gusto mo pero hindi mo normal na kinakain. Halimbawa, iyang napakasarap na piraso ng chocolate cake o kaya ay banana split ay para mas gumanda ang iyong pakiramdam.

5. Mag-relaks sa isang bath tub o batyang may maligamgam na tubig. Habang nagwa-warm bath ka, magpatugtog ng nakarerelaks ng musika at habang nakahiga, ipikit ang mga mata at makinig sa musika.


6. Bumangon at simulan nang kumilos. Maglakad at makinig sa mga huni ng ibon, i-enjoy ang pagtingin sa mga ulap, amuyin ang mababangong mga bulaklak, hayaang maarawan ka sa mukha at pinakamahalaga sa lahat kausapin ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page