6 tips para maging maganda ang relasyon sa inlaws
- BULGAR

- Mar 8, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 8, 2021

Dahil kayong mag-asawa ay may magandang relasyon, hindi rin naman ito nangangahulugan na awtomatiko kang may magandang relasyon sa iyong inlaws.
Ang ilang relasyon ay hindi maganda maliban lang kung magsisikap at magtitiyaga ka na pag-ibayuhin ito. Heto ang ilang nakatutulong na hakbang para gumanda ang relasyon sa inlaws.
1. Isipin na hindi mo mababago ang ugali ng inlaws. Ikaw ang dapat magsikap na baguhin ang iyong reaksiyon sa kanilang ugali. Tanggapin sila kung sino sila dahil sila ang magpapabago sa kanilang sarili.
2. Hayaan ang partner na magsalita sa kanyang sariling pamilya. Sila pa rin ang bahala sa pagmando ng kanilang relasyon. Kabilang na rito ang mga plano tuwing holiday at kung paano palalakihin ang mga bata.
3. Unawaing may biyenan o mga inlaws ka na, dahil nakokonsensiya ka na nakakalimot sa sariling magulang kapag mas naging close ka sa in-laws. Wala namang masama kung mahalin mo pareho ang dalawa mong pamilya. Tiyak na mas magiging maganda ang relasyon mo sa iyong partner kapag nagawa mo iyan.
4. Huwag kang manghihimasok sa anumang pagtatalo sa pagitan ng iyong asawa at pamilya niya. Ang problema ay sa pagitan nila at lalo lang mapapasama ang relasyon sa pagitan mo at ng iyong inlaws kung mayroon kang kakampihan.
5. Gumawa ng paraan na makilala mo nang mabuti ang iyong in-laws. Imbitahin silang kumain ng tanghalian o tawagan sila kung may oras ka. Nakakailang sa una, pero madali naman itong gawin.
6. Hayaang maipadama mo sa iyong inlaws na welcome sila sa iyong bahay. Maaaring ma-feel nila na outsider sila kapag nadama nilang ayaw mo silang naroon. Tiyak na magiging iba rin ang trato nila sa iyo.








Comments