top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

6 timbog sa ilegal na pagbebenta ng diesel

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 19, 2026



6 arestado sa pagbebenta ng umano'y ilegal na diesel - PNP-PRO 8

Photo: 6 arestado sa pagbebenta ng umano'y ilegal na diesel - PNP-PRO 8



Anim na kalalakihan ang inaresto ng pulisya makaraang ilegal na magbenta ang mga ito ng petrolyong diesel sa Brgy. Pawing, Palo, Leyte Sabado ng madaling-araw, Oktubre 17.


Ayon kay Police Regional Office 8 Director PBGen. Romano Cardiño, nahuli umano sa aktong nagbebenta at namamahagi ng diesel ang mga suspek na nasa edad 19 hanggang 35, batay sa ulat ng Regional Intelligence Division 8.


Una nang nakatanggap ng mga report ang mga awtoridad hinggil sa isinasagawang modus operandi ng grupo kung kaya't nagkasa ng entrapment operation laban sa mga suspek.


Nasamsam sa operasyon ang isang electric pump na may nakakabit na hose, 10 plastik na container na naglalaman ng diesel ang anim habang walang laman ang apat, at P15,500 na cash.


Patuloy ang imbestigasyon kaugnay ng insidente kasabay ng paghahanda ng kaukulang mga kaso laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page