6 regional officer ng PhilHealth, nag-file ng leave of absence
- BULGAR

- Aug 16, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 16, 2020

Nag-file na ng leave of absence ang anim na regional officer ng Philippine Health Insurance Corporation dahil sa patuloy na pag-iimbestiga sa ahensiya, ayon sa Malacañang.
Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi na pinakinggan ang rekomendasyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mag-leave ang mga sangkot na pangalan habang patuloy ang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Roque, ito umano ang pinakamainam na gawin ng mga pangalang sangkot sa imbestigasyon. Ngunit, nilinaw din ni Roque na ang mga opisyal na ito ay hindi kabilang sa PhilHealth “mafia”.
Dahil sa alegasyon ng korapsiyon sa ahensiya, nagtalaga si Pangulong Duterte ng multi-agency task force na pinangungunahan ng Justice Department para ito ay imbestigahan.
Ang grupo ay hinahayaang magsagawa ng lifestyle check at magpataw ng suspensiyon. Sila rin ay kinakailangang magpasa sa Pangulong Duterte ng mga nakuha nitong impormasyon at rekomendasyon tulad na lamang sa nasabing leave of absence ng ilang opisyal ng ahensiya.





Comments