Ni Eli San Miguel @Overseas News | September 19, 2024

Photo: AP News
Namatay ang anim na tao dahil sa landslide na dulot ng malakas na ulan malapit sa Mexico City, ayon sa mga otoridad.
Nakapinsala sa isang bahay at paaralan, ang landslide noong Lunes ng gabi sa Naucalpan, isang komunidad hilagang-kanluran ng Mexico City.
Apat na lalaki at dalawang babae ang mga biktima. Mayroon pang tatlong tao na nasugatan at dinala sa isang pampublikong ospital.
Naganap ang mga pagkamatay sa Naucalpan ilang araw matapos ang isa pang landslide na pumatay ng siyam na tao noong Sabado sa Jilotzingo, kanluran ng Mexico City sa Estado ng Mexico.
Comments