5K US Military aalisin sa Germany, NATO, pumalag
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 4, 2026

Patuloy na pinag-aaralan ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang planong pag-alis ng mga sundalo ng United States mula sa Germany.
Ayon kay NATO spokesperson na si Allison Hart, kinakalap pa nila ang mga detalye hinggil sa dahilan ng desisyon ng US na bawiin ang humigit-kumulang 5,000 nitong mga sundalo.
Iniulat na ang hakbang na ito ay kaugnay umano ng hindi pagsuporta ng ilang bansa sa Europa sa panig ng US at Israel sa tensyon laban sa Iran.
Samantala, tinawag ni Donald Trump ang NATO bilang isang “paper tiger” at inilarawang wala itong silbi.




Comments