575,800 doses ng AstraZeneca vaccine, dumating na
ni Lolet Abania | August 13, 2021

Mahigit kalahating milyon pang doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang dumating sa Pilipinas ngayong Biyernes para sa karagdagang supply ng bakuna sa bansa.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19 (NTF), ang pinakabagong batch ng bakuna ay umabot sa 575,800 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng private sector sa pamamagitan ng Dose of Hope Program. Sinabi rin ng NTF na ang vaccine doses ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 via Chinese airlines Flight CI701 nang alas-9:35 ng umaga ngayong Biyernes.
Sinalubong nina NTF implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder na si Joey Concepcion, at AstraZeneca Philippines president Lotis Ramin ang mga bakuna. Batay sa NTF, nitong Huwebes, umabot na sa kabuuang 41,515,350 doses ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers ang natanggap ng Pilipinas. Gayundin, ngayong Biyernes nang hapon, inaasahan ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccine na darating mula sa Russia.





Comments