57 lugar sa NCR, isinailalim sa granular lockdown
- BULGAR

- Sep 17, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 17, 2021

Umabot na sa 57 lugar ang isinailalim sa granular lockdown sa National Capital Region isang araw matapos ang pilot implementation nito, pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
“Based on the report given to us by the NCRPO, we have 57 areas in the National Capital Region currently under granular lockdowns,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing ngayong Biyernes.
“Almost all LGUs here in Metro Manila have granular lockdowns.”
Gayunman, hindi tinukoy partikular ni Malaya ang mga lugar na naka-lockdown sa NCR.
“Doon sa sinasabing issue tungkol sa warning, nasa kamay na po ‘yan ng mga local government units kung anong klaseng warning ang kanilang gagawin,” sabi ng kalihim.
“We will leave it now to the discretion of the local government units kung sila ba ay biglang magla-lockdown lamang o magbibigay sila ng advanced warning,” paliwanag pa ni Malaya.
Binigyang-diin ni Malaya na ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdowns ay iyong nasa critical nodes, kung saan itinuturing na may clustering ng mga kaso at active transmission ng COVID-19.
Subalit, apela ng mga residente na magkaroon naman muna ng notice o abiso mula sa kanilang lokal na pamahalaan bago ipatupad ang granular lockdown sa partikular na lugar upang magkaroon din sila ng pagkakataon na makapaghanda.
Samantala, sa hiwalay na panayam kay Malaya, sinabi nitong ang pagpapatupad ng Alert Level 4 sa Metro Manila sa ngayon ay maituturing aniyang “good” o mabuti.








Comments