top of page
Search
  • BULGAR

53-anyos, makaka-jackpot sa lotto ngayong 2024

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Marso 15, 2024



Dear Maestro,


Matagal na akong tumataya sa lotto, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nananalo ng malaki-laking halaga, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang mapalad kong numero? Balak ko nang palitan ang mga numerong inaalagaan ko ngayon. Bukod sa suwerteng numero, gusto ko ring malaman kung ano ang aking mapalad na araw at petsa at kung ano’ng kulay ng damit ang dapat isuot kapag ako ay tataya? November 7, 1970 ang birthday ko.


Umaasa,

Ismael ng San Roque, Burgos, Isabela

 


Dear Ismael,


Ayon sa birth date mong 7 at sa destiny number na 8 (11+7+1970=1988/ 19+88=107/ 10+7=17/ 1+7=8) at sa zodiac sign mong Scorpio, ikaw ay mapalad sa kulay na berde at pula.Ang zodiac sign na Scorpio at birth date mong 7 ay kapwa under ng elementong tubig o water, ibig sabihin, ikaw din ay magiging mapalad sa panahon ng tag-ulan. Kaya mas mainam na maghintay ka ng panahong maulan o bumabagyo dahil sa mga panahong nabanggit, malamang na bigla kang tumama ng malaking halaga sa anumang uri ng number games nang hindi mo inaasahan, habang bumabaha sa mga pangunahing lansangan o habang nananalasa ang malakas na hangin at ulan sa kapaligiran.


Dahil tubig ang iyong ruling element, makatwiran lamang na sa tuwing tataya o makikipagsapalaran ka sa kahit anong uri ng number games, ituon mo ito sa panahong pumapatak ang ulan, sapagkat tulad ng nasabi na, tubig ang iyong kaibigan na magbibigay sa iyo ng biglaang suwerte at magandang kapalaran.


Bukod sa numerong tubig na may sumatotal na 7 at 2, ikaw din ay mapalad sa numerong 16, 7, 25, 34, 43, na siya ring sarili mong number, dahil ang lahat ng nabanggit na numero ay may sumatotal na 7. Bukod sa numerong 7 na pinipresenta ng tubig, ang numerong may sumatotal na 2 tulad ng 11, 20, 29, 38, 47 at iba pang numerong kauri nito ay numero rin ng tubig.Kaya sa pagpili ng mga numerong tatayaan, lagi mong isaalang-alang ang dalawang numero ng tubig – muli, ito ay ang numerong may sumatotal na 2 at 7.


Gayunman, sa numero ng tubig, mapalad ka rin sa mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31 na siya namang numero ng araw o Sun, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo at Sabado, habang buwenas ka rin sa mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, na siya namang numero ng Moon o buwan, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Lunes at Huwebes at nagkataon pang full moon o nasa kabilugan ang buwan sa kalangitan. 


Kusa namang bubuti ang lagay ng iyong kapalaran, bukod sa panahon ng tag-ulan ay mula sa ika-19 ng Pebrero hanggang sa ika-25 ng Marso, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang ika-25 ng Hulyo.


Kung susundin mo ang mga rekomendasyong inilahad, tiyak ang magaganap. Ngayong 2024 hanggang 2025 sa edad mong 53 pataas, biglaan ang magaganap kung saan masasapol mo na ang dambuhalang jackpot sa lotto.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page