508K PDLs, natulungan sa 60K pagbisita ng PAO; 57K nakalaya mula Enero-Setyembre 2026

by Info @News | October 27, 2026

Umabot sa 57,284 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakalaya sa iba't ibang legal na batayan mula Enero hanggang Setyembre 2026, ayon sa Public Attorney’s Office (PAO).
Kasabay nito, halos 508,000 PDL ang natulungan ng ahensiya sa pamamagitan ng mga pagbisita sa mga kulungan sa buong bansa, kung saan nagbigay ito ng libreng tulong legal at serbisyong medikal, dental, at pangangalaga sa mata.
Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, nakapagsagawa ang kanilang central office ng 17 pagbisita na nakatulong sa 9,894 PDL, habang 497,772 naman ang natulungan ng mga tanggapang panrehiyon at pandistrito sa pamamagitan ng 51,830 pagbisita.
Layunin ng programa na mabawasan ang pagsisiksikan sa mga kulungan at matiyak na nabibigyan ng kaukulang tulong ang mga bilanggong maaaring kwalipikado nang makalaya.
Ipinaliwanag ni Rueda-Acosta na sinusuri ng mga pampublikong abogado ang kalagayan ng mga bilanggo, partikular ang mga walang legal na kinatawan, mga nakapagsilbi na ng pinakamababang parusang maaaring ipataw, at mga nakakulong nang katumbas o higit pa sa pinakamataas na posibleng parusa sa kanilang kaso.
Batay sa datos ng PAO, kabilang sa 57,284 nakalaya ang 2,140 na pinalaya sa bisa ng recognizance, 7,134 na nakalaya matapos pansamantalang ibasura ang kanilang mga kaso, at 1,932 na nakalaya dahil umabot na ang kanilang preventive imprisonment sa pinakamataas na parusang maaaring ipataw.
Samantala, 12,369 ang nakalaya matapos ganap na mapagsilbihan ang kanilang sentensiya, habang 33,709 naman ang pinalaya dahil sa iba pang legal na dahilan.
Bukod dito, sinabi ng PAO na nakipagtulungan din ito sa Department of Justice (DOJ) sa mga programa para mabawasan ang pagsisiksikan sa mga piitan.
Sa ilalim ng naturang pagtutulungan, 9,326 PDL ang nakalaya mula sa mga pasilidad na pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pamamagitan ng limang programa mula Enero hanggang Setyembre 2026.
Tiniyak ng PAO na magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga bilanggo upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at matugunan ang problema ng pagsisiksi





Comments