500 preso, nailipat na sa Iwahig

ni Gina Plenago @News | November 24, 2026

Photo: BuCor
Panibagong batch ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) ang maayos na nakarating sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., bahagi pa rin ito ng patuloy na decongestion program ng BuCor para sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Sinabi ng BuCor director na ang mga inilipat na PDLs ay kinabibilangan ng 480 lalaki mula sa NBP at 20 babae naman mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Ilalagay ang mga babaeng PDL sa CIW sa Palawan, habang ang mga lalaki ay sa pasilidad ng Iwahig.
Layunin ng kawanihan na bawasan ang pagsisikip sa NBP at bigyan ang mga PDL ng mas ligtas at mas angkop na mga pasilidad sa pangangalaga.





Comments