50-anyos tumawid sa kalsada, sapul sa bus, dedo

by Jeff Tumbado @News | November 22, 2026

Photo: Ang diumanong nabundol na lalaki sa national highway sa Brgy. Lunocan, Manolo Fortich, Bukidnon nitong Sabado ng madaling-araw, Nobyembre 21. - Manolo Fortich MPS
Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos mabundol ng pampasaherong bus habang tumatawid sa national highway sa Brgy. Lunocan, Manolo Fortich, Bukidnon nitong Sabado ng madaling-araw, Nobyembre 21.
Kinilala ang biktima sa alyas na Roy, residente ng Claveria, Misamis Oriental.
Batay sa imbestigasyon, lasing umano ang biktima nang bigla itong tumawid sa madilim na bahagi ng kalsada at mabundol ng paparating na bus.
Isinugod ang lalaki sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.
Nasa kustodiya ng pulisya ang 46-anyos na driver at ang bus habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.





Comments