top of page

5 tips para iparamdam sa partner na na-a-appreciate mo siya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 11, 2021




Bagay na kailangan: Kahandaan na mag-adjust


1. UNAWAAN: Bagamat hindi lahat ay 100 porsiyentong matutuwa sa’yo, magagawa mo ang iyong bahagi bilang misis na espesyal at tinatanggap. Ang misis (gaya ng mister) ay may kakaiba at key role sa bawat isa. Si misis ang naghahatid ng liwanag sa relasyon. Kung dama niyang abandonada siya, pinababayaan o hindi tanggap, mahirap sa kanya na mamentina ang positibong kapaligiran.


2. PAGTANGGAP: Kailangan ng isang babae ng maski maliit na bagay na mapansin siya. Ang tawag sa telepono sa gitna ng wala namang rason; sariwang bulaklak, date night, hindi inaasahang magpapatibok ito ng kanyang puso etc. Alamin ang kanyang interes at gamitin ito upang maging personal ang iyong sorpresa, halimbawa kung mahilig siya sa tsokolate, bigyan siya nito.

3. KILALANIN: Hindi mo naintindihan ang kanyang emosyonal na pangangailangan pero kailangan mong kilalanin ito. Magkaroon ng oras na aktibong makinig sa kanya. Umpisahan ang pakikipag-usap. Hindi dapat nanghuhusga o nagmamaliit ang iyong opinyon.


4. HUMINAHON SA PAGTATALUNAN: Hayaang lampasan ang malilit na bagay. Ang pakikipagtalo o pagiging dominante na ugali ay nakakapeste at nakalalason sa pagmamahal na iyong ibinibigay.


Kung naiirita ka at hindi siya ‘best housekeeper,’ kumuha ng katulong kung may oras. Tandaan na hindi ka perpekto. Ang kanya bang pagtawa ang nakakainlab sa iyo o ang paglilinis niya ng kusina?


5. Sabihin mong mahal na mahal mo siya araw-araw. Sabihin din sa iba na mahal mo ang misis mo. Ang marinig lamang niya na masabi mo ito ang bubuhay ng husto sa inyong pagmamahalan. Ang love kasi ay isang chain reaction. Habang mas marami kang pagmamahal na ibinibigay mas marami pang pag-ibig kang matatanggap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page