5 Pinoy, patay sa lumubog na Chinese fishing vessel
- BULGAR

- May 25, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | May 25, 2023

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na kabilang ang limang Pilipinong tripulante sa 39 na namatay sa lumubog na Chinese fishing vessel sa Central Indian Ocean noong nakalipas na linggo.
Nagpahayag din ng pakikiramay ang PCG sa pamilya ng 39 na tripulante na namatay kung saan walang nakaligtas base sa isinagawang imbestigasyon ng Beijing transport ministry.
Nabatid na sakay umano ng lumubog na fishing vessel na pag-aari ng Penglai Jinglu Fishery Co Ltd na lumubog noong Mayo 16, ang 17 Chinese, 17 Indonesians at limang Filipino sa may 5,000 kilometro (3,100 miles) sa kanluran ng Perth,state capital ng Western Australia.
"We are saddened by this development," ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo kung saan mino-monitor at nakipag-ugnayan na ang PCG sa Australian Maritime Rescue Center at sa Chinese Embassy kaugnay sa progress ng search and rescue (SAR) operations.
Pinasalamatan din ni Balilo ang Australian search and rescue teams sa kanilang pagsusumikap na mahanap ang mga tripulante. (Mylene Alfonso








Comments