top of page

ICI, kulang ang kapangyarihan — De Lima

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 54 minutes ago
  • 1 min read

by Info @ News | December 1, 2025



Leila De Lima

Photo File: FB / Leila De Lima



Naglabas ng pahayag si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima hinggil sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa flood control anomalies.


“Nakikita naman natin ang pag-usad ng ICI. Pero huwag tayong maglokohan: Kulang ang kapangyarihan nila. Kulang ang pondo nila. Limitado ang sakop nila. Hindi pwedeng sabihin na tunay na independent sila,” aniya.


Kinuwestiyon din ni De Lima ang mabagal na pagsasabatas ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) na magpapaigting sa kapangyarihan ng ICI.


“Walang dahilan para patagalin pa ang mga batas na yan, pwera na lang kung kayo mismo ang may ayaw at natatakot na maisabatas ang mga yan!” ani De Lima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page