5 Marines kritikal ang kondisyon sa pagsabog sa Maguindanao
- BULGAR

- Sep 19, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 19, 2020

Nasa kritikal na kondisyon at lubhang nasugatan ang limang miyembro ng Philippine Marine Corps' Battalion Team-5 matapos na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa probinsiya ng Datu Hoffer, Maguindanao, bandang alas-8 kagabi.
Ayon kay Maguindanao Provincial Police Director Col. Arnold Santiago, sakay ng military truck ang mga Marines na kadarating lang mula sa operasyon na isinagawa sa bayan ng Ampatuan laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang maganap ang pagsabog.
Napag-alaman na ang IED ay gawa sa isang 81mm mortar round na itinanim ilang metro ang layo mula sa Maguindanao Provincial Hospital at sa police provincial headquarters sa Camp Akilan sa Shariff Aguak, kung saan sa naturang lugar sumabog din ang improvised explosive device sa police convoy noong nakaraang buwan.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng mga Marines ang Maguindanao Provincial Hospital.
Samantala, nagsagawa ang Joint-Task Force Central ng air assaults at opensiba laban sa BIFF kahapon nang umaga.





Comments