5 maling estilo sa pagsa-shopping ngayong Pasko na dapat iwasan
- BULGAR

- Dec 5, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 5, 2020

Kung marami na ang namimili ngayon sa mga pamilihan, may iba naman ay naghihintay pa ng paglampas ng Simbang Gabi na balita natin ay ipagbabawal din muna bagkus ay sa TV o online mass na lamang makakapakinig ang maraming Kristiyano upang makaiwas na mahawa ng coronavirus. Diyan lang sila makakatanggap ng 13th month at bonus. Hindi pa man napapasakamay ang pera ay marami nang iniisip ang bawat isa sa atin kung paano gagastusin ang pera at kung anu-ano na ang iniisip na bibilhin.
Siyempre, gusto kasi natin na mabigyan ang ating mga mahal sa buhay ng regalo para maalala nila tayo tuwing Pasko, pero ‘di kailangang magkamali sa iyong mga desisyon habang namimili.
Para hindi ka magsisi sa huli dahil sa pagkakamali ng gastos, heto ang sinasabing mga pagkakamali na dapat iwasan para makatipid ka sa paggastos.
UNANG MALI: Wala ka kasing gift list. Kung gagawa ng listahan ng mga reregaluhan, tsekin ito ng dalawang beses, at isipin kung ano ang pinakamahalaga at hindi sa iyong mga isinulat. Iyong pagtakbo papunta sa mga pamilihan o mall na limitado rin ang pagpasok ng maraming tao at hindi alam kung ano ang bibilhin ay tiyak na magpapaubos ito ng iyong budget lalo na kung gahol ka na sa panahon at oras.
ANG NAGSASALAWAHAN PA: Naka-budget ka na pero bakit tumitingin ka pa sa online para sa mga items na panregalo, huwag nang gawin iyan dahil dagdag gastos pa iyan na hindi mo inaasahan sa iyong budget.
IKALAWANG MALI: BILI NANG BILI NG MGA PANDEKORASYON. Magkano na ba ang iyong nagagastos sa dekorasyon, wrapping paper? Grabe. Kapag panay ang bili mo ng mga dekorasyong hindi na kailangan, tiyak na mabubutas na ang bulsa mo at masisira na ang budget mo. Na kung hindi ka magbabawas kahit paano ng mga pandekorasyon ay siguradong ang laki ng bill mo sa kuryente pagdating ng Enero. Hindi nakasisiya.
IKATLONG MALI: HINDI KA TUMITINGIN NG SALE O BARGAIN ITEMS: Kapag hindi ka natutong mamili ng bagsak presyo na mga items tiyak na sobrang gastos ang mangyayari.
PINAKAMAINAM: Matuto kang magpunta sa mga tiyangge, Divisoria, Quiapo o Baclaran at magugulat ka roon, dahil halos pareho lang ang items sa paborito mong mall at sa mga ibinebenta sa nabanggit kong lugar na napakalaki pa ng diperensiya sa presyo. Mas makakamura ka pa.
IKAAPAT NA PAGKAKAMALI: HINDI KA KASI GUMAGAWA NG HOMEMADE GIFTS. Ang pagbili kung minsan ng gift boxes, baskets at iba pang store-wrapped goodies ay nakaakit pero napakamahal. Ang mga ready made na gift packages kung minsan ay mahal, kahit plano mo pang maging espesyal ang pagbibigay ay at least kahit paano ay makatitipid ka man lang. Kahit ba parang recycled ang iyong ibinigay ay masasabing thoughtful pa rin at makatitipid pa rin sa pera.
ANG MAINAM: Hindi mo naman kailangang maging malikhain o may espesyal na galing para gumawa ng homemade gift ngayong taon. Gayahin mo lang ang mga nasa youtube, Instagram o Facebook marketplace na may mga disenyo ng kahon, jar at gift tag.Kahit sa isang cookbook ay may mga tips kung paano gawin ang ilang sangkap ng resipe.
IKALIMANG PAGKAKAMALI: Hindi ka kasi tumitingin ng mga left-over items sa bahay. Ang pagpuno ng mga holiday decorations sa iyong pagsa-shopping, ng mga regalo at food supplies ay napakalaki ring pagkakamali pagdating sa pera lalo na kung may mga items ka naman sa bahay. Kapag bumili ka uli ng items na meron ka na sa bahay ay dagdag gastos at kalat pa ito sa bahay. Baka maakit ka pa sa credit card na gumamit imbes na pambayad mo sa tuition fee.
ANG DAPAT GAWIN: Tingnan ang kabuuan ng iyong kusina at kuwarto maging ang loob ng iyong mga lumang cabinet at baka may may gamit ka pang puwede mong mairegalo, bago magpunta sa mga tindahan o tiyangge.








Comments