top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

5-K pulis na may kaso, sibak sa serbisyo

BULGAR
Apr 19, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 19, 2022


Sibak sa serbisyo ang 5,599 pulis na sa sangkot sa iba’t ibang kaso.


Ayon sa Philippine National Police (PNP), kasama sa naturang bilang ang 714 pulis na sangkot sa ilegal na droga na pinasisibak sa serbisyo mula Hulyo 2016 hanggang Marso 30 ngayong taon.


Libu-libong pulis ang napatawan ng parusa kaugnay sa pinaigting na internal cleansing sa hanay ng PNP, lalo na sa mga sangkot sa ilegal na droga.


Base sa datos ng PNP, 1,129 sa mga officer ay na-demote sa serbisyo; 10,490 ang nasuspinde, 848 ang tinanggalan ng suweldo, 208 ang ‘restricted to custody’ at 286 ang natanggalan ng mga prebilehiyo, habang nasa 2,475 naman ang na-reprimand sa tungkulin.


Tinukoy din sa report ang umano’y extra judicial killings, pagkawala ng mga target, torture, arbitrary detention, hindi maayos na kondisyon sa piitan at iba pa.


Isinapubliko ng PNP ang kanilang internal cleansing matapos ang ulat ng Department of State ng Estados Unidos hinggil sa pang-aabuso o paglabag sa karapatang-pantao ng security forces sa Pilipinas.


Samantala, binigyang-diin ng PNP na hindi patas para ipalagay bilang isang organisasyon na kinukunsinti ang kaso ng mga pagpatay at paglabag sa karapatang-pantao.


Inihayag pa ng PNP na nakikipag-coordinate na sila sa imbestigasyon ng Department of Justice, National Bureau of Investigation kaugnay ng umano’y mga pang-aabuso sa kontrobersiyal na drug war.


Magandang balita na nililinis ang hanay ng kapulisan, lalo pa’t kamakailan ay maraming pulis na nasasangkot sa iba’t ibang krimen. Bagay na nakakadismaya dahil imbes na tumulong sila sa pagsugpo sa krimen, sila pa ang gumagawa ng kalokohan.


Kaya pakiusap natin sa mga kinauukulan, pakibilisan ang pag-aksiyon. Kailangang-kailangan natin ng matitinong pulis na nasa pagseserbisyo ang layunin at ‘di sa pansariling pakinabang.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page