5 huli sa akto sa sugal, droga
- BULGAR

- 22 hours ago
- 1 min read
ni Maeng Santos @News | August 28, 2026

Photo: File
Isinelda ang limang katao kabilang ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaresto sa Oplan Galugad sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Police Investigator PCpl. Christopher Quiao kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 sa Sapa St., Brgy. Bagbaguin nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng cara y cruz, ala-1:20 ng Miyerkules ng madaling-araw.
Nasamsam nina Pat. Jay-R Verano at Pat. Mikko Caballero mula sa dalawa ang P290 bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400 na nakuha umano kay “Jhayr,” 23.
Nauna rito, alas-11:50 Martes ng umaga nang maaresto naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 1 ang tatlong indibidwal na nagsusugal umano ng lucky 9 sa Brgy. Paso De Blas.
Nakumpiska nina Pat. Dan Aldrin Baladad at Pat. Julius Valencia mula sa kanila ang P400 bet money, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P2,584 na nasamsam sa 35-anyos na construction worker na si “Daryl”.





Comments